HINDI madaling maging kampeon, at higit na mahirap ang manatiling kampeon.
Para sa pamosong coach at nutritionist na si Jeaneth Aro, sapat at tamang nutrisyon ang kailangan ng atleta upang makamit ang minimithing tagumpay – sa pangmatagalang panahon.

“Hindi madaling maging champion. But If you have the talent and if you train hard, you can be a champion. But for you to remain a champion, you need the support of good nutrition,” pahayag ni Aro sa kanyang pagbisita kamakailan sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
“One of the key areas in sports na dapat talaga natin bigyan ng pansin ay ‘yun nutrition. ‘Yun ang magbibigay sa iyo ng gasolina para patuloy ka makapag-training ng tama at maayos,” sambit ni Aro sa linmgguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drink.
“Sabi nga, pwede kang maging champion ng isang beses. Pero yun ma-maintain mo yun status mo throughout your career, that’s hard. Mabibilang natin sa daliri yun matagal nag-champion.”
Buhay na patotoo sina Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz at boxing champion Jerwin Ancajas – dalawa sa maraming atleta na sumasailalim sa programa ni Aro.
Kamakailan, nakamit ni Diaz ang dalawang bronze medal sa World championship at inaasahang magkakwalipika ito sa 2020 Tokyo Olympics, habang ang 27-anyos na si Ancajas ay nakatakdang ssumabak sa kanyang ikawalong pagdepensa sa IBF crown ngayong buwan.
“To me, food supplement is just icing on the cake. Parang palamuti lang sa overall nutrition regimen. May maitutulong ito pero balewale din kung hindi maayos yun nutrition. Some athletes rely on supplements dahil madali makuha. Pero silayunmga nakararanas ng injury, yung parang laging pagod. Sila yun hindi ma-sustain yun training. Kaya I always tell my athletes to watch out yun mga food intake nila,” pahayag ni Aro, taekwondo athlete sa high school hanggang college sa University of the Philippines.
Hawak din niya ang nutritional program ng Talk N Text team sa PBA at national boxing team ng Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP), mula sa rekomendasyon ni dating Philippine Olympic Committee (POC) secretary-general Patrick Gregorio.
“Actually, I was a part-time taekwondo teacher to school children. I also taught aerobics and group exercises. Then Mr. Gregorio gave me a chance to handle the Philippine men’s basketball team competing in the 2005 SEA Games,”aniya.
“Marami ako naiisip na pgroama para sa ating bansa natin. But I want to attain my ultimate dream na ma-reach ng mga atlete natin yun Olympics, Yun ang big test kung tama yun mga ginagawa ko.I need the results.”
“Ang priority ko talagang tulungan ay yung mga atletang seryoso sa ginagawa nila. Tinitigna ko din kung may disiplina sa buhay at kung willing talagang makinig kung anuman ang ituturo ko sa kanila.”
“Kahit anong programa naman ang gawin ko, walang kwenta yun kung hindi naman susundin ng atleta,” aniya.