Binabaan ng UAAP ang ginawad na three-game suspension kay University of the Philippines coach Bo Perasol sa two games, saad ng league sources kahapon.
Dahil sa pagbawas, pwede nang bumalik si Perasol sa bench ng Fighting Maroons sa laban nila sa University of Santo Tomas bukas.
May 6 na panalo at 3 talo ang UP, segunda sa Ateneo de Manila University na wala pang talo at pasok na sa semifinals.
Suspendido si Perasol sa laro ng UP laban Far Eastern University, kung saan natalo ang Maroons sa overtime 82-79, at University of the East, kung saan sila nanalo 78-75.
Binigyan ang coach ng three-game ban matapos magwala noong game ng UP kontra Ateneo Set. 29 na nagresulta sa kanyang ejection.
Nag-apela ang UP ngunit ibinasura ito ng UAAP.
Binawasan ang suspension matapos mag-meeting nina Perasol at UAAP basketball commissioner Jensen Ilagan noong Sabado, kung saan nagpaumanhin ang coach sa liga at kay referee Jaime Rivano.
“Last Saturday was the first time our office heard directly from Coach Bo and we appreciate his sincerity and evident humility in expressing his regret regarding the incident,” sabi ni Ilagan.
-Kristel Satumbaga