ALL-OUT!

MAY nababanaag na silahis ng araw ang Philippine Sports Commission (PSC) sa katuparan ng pangarap ng sambayanan na makapagwagi ng gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics.

EJ Obiena: Naka-focus sa SEA Games

EJ Obiena: Naka-focus sa SEA Games

Kung noo’y nagkakasya ang Team Philippines sa libreng tiket – ibinibigay sa athletics at swimming sa bawat miyembro na bigong makapagpadala ng atleta mula sa qualifying meet – apat na atleta ang siguradong panlaban ng bansa sa quadrennial meet sa Japan.

'Goodluck sa puksaan!' Jesus Falcis, sinagot kung kailan sasali sa 'bardagulan' mga Kakampink

Kapwa nalagpasan nina pole vaulter EJ Obiena at gymnast Carlos Yulo ang qualifying standard sa kani-kanilang sports bunsod ng impresibong performance sa international tournament na na bahagi ng qualifying meet para sa Olympics.

Nalagpasan ng 26-anyos na si Obiena ang 5.80-meter na Olympic qualifying sa naitalang 5.81-meter sa torneo sa Naples, Italy, habang ang 20-anyos na si Yulo ang kauna-unahang Pinoy gymnast na sasabak sa Olympics nang makamit ang gintong medalya sa floor exercise sa FIG Artistic Gymnastics World Championship kamakailan sa Suttgart, Germany.

Hindi pa opisyal ang pagpasok ni boxer Nesthy Petecio sa kabila ng tagumpay sa featherweight class ng AIBA Women’s World Boxing Championships nitong Linggo sa Ulan-Ude, Russia, gayundin si Rio Olympic weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz na nagwagi ng dalawang bronze medal sa World Championship nitong Agosto, subalit ang pagtaas nila sa ranking ay malaking ayuda sa kanilang pagtatangka na makalaro sa Tokyo Games.

“We are happy. The entire nation is ecstatic with the latest triumph of our beloved athletes. Not one, not two, but four, athletes are possibly make it to Tokyo Games,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Makakasama ni Obiena sa kanyang kampanya ang mga taong kanyang kakailanganin sa kanyang paghahanda para sa kompetisyon gaya ng physiotherapist, sports nutritionist at  sports psychologist. Annie Abad