MAY solo concert si Ronnie Liang sa Music Museum sa November 8 billed Love X Romance na celebration din ng achievements niya just this past year. Mula sa nalalapit niyang graduation sa flying course, sa release ng full-lenght album niyang 12 and to celebrate his 10 years in showbiz kasama rito ang paulit-ulit na pagta-top sa radio hit charts ng kanyang mga kanta.

Ronnie

Guesting in Ronnie’s concert are Ella Cruz, Janine Teñoso at Sarah Geronimo. What makes his solo concert more special, ay ga-graduate na siya sa flying school before his concert. Kaya pagtayo niya sa stage ng Music Museum to perform, license pilot na siya kahit private pilot palang siya dahil next year pa siya magga-graduate as a commercial pilot.

Mahal ang suweldo ng isang commercial pilot at nalula kami sa kinowt ni Ronnie na take home pay ng isang international pilot for one month, puwede nang iwan ang showbiz.

Tsika at Intriga

Bukol sa tiyan ni Bea Alonzo, inuurirat

“Pero, hindi ko iiwan ang showbiz kahit commercial pilot na ako. Childhood dream ko ang maging piloto, pero kakanta pa rin ako, hindi ko iiwang ang pagkanta. Sayang naman, 12 years na ako rito, magti-10 years na ako, nakapag-release na ako ng five albums at may hit songs na rin ako. Gumawa na rin ako ng movie at na-try ko na ang acting. With the help of Viva, I’m still here,” kaya ipagpapatuloy ko pa ring ang showbiz,” sabi ni Ronnie.

Ang Ngiti ang signature song ni Ronnie na kahit kaninong version ang marinig, si Ronnie pa rin ang maiisip mo. Maaalala rin siya sa mga song na Yakap na original ni Junior at ang Ligaya na original ng Eraserheads.

-NITZ MIRALLES