TARGET ng  Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) ang limang gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games  sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

SALUTE! Nakasaludo si Hidilyn Diaz, Air Woman First Class ng Philippine Air Force, habang pumapailanlang ang Lupang Hinirang, sa awarding ceremony matapos makopo ang gintong medalya sa women’s 53-kilograms ng 2018 Asian Games women’s weightlifting competition nitong Martes sa Jakarta International Expo Hall A sa Indonesia. (PSC PHOTO)

SALUTE! Nakasaludo si Hidilyn Diaz, Air Woman First Class ng Philippine Air Force, habang pumapailanlang ang Lupang Hinirang, sa awarding ceremony matapos makopo ang gintong medalya sa women’s 53-kilograms ng 2018 Asian Games women’s weightlifting competition nitong Martes sa Jakarta International Expo Hall A sa Indonesia. (PSC PHOTO)

Mismong si SWP President Monico Puentevella ang nagsabi na ang kanyang 10-men team ay sapat na upang bigyang karangalan ang bansa para sa nalalapit na biennial meet.

Kabilang sa listahan ng mga weightlifters na isasabak ni Puentevella upaang magbigay ng karangalan sa bansa ay sina  Hidilyn Diaz na sasabak sa 55kg, Mary Flor Diaz sa 45kg, Elien Rose Perez sa 49kg, Margaret Colonia sa 59kg, Elreen Ann Ando sa 64kg, Kristel Macrohon sa 71kg, John Fabuar Ceniza sa 55kg, Dave Llyod Pacaldo sa 61kg, Nestor Colonia sa 67kg at si  Jeffrey Garcia sa 73kg.

'Goodluck sa puksaan!' Jesus Falcis, sinagot kung kailan sasali sa 'bardagulan' mga Kakampink

“For the SEA Games, we’re aiming for four to five medals. I am hoping that we will get at least one or two medals for men, and four medals for women,” ani  Puentevella.

Sinabi pa ng dating Kongresista ng Bacolod na ang SEA Games ay bahagi ng paghahanda ng weightlifting upang makapagpadala ng mas marami pang atleta para sa  2020 Tokyo Olympics at sa  2024 Paris Olympic Games.

“My master plan from the beginning was, like what I did to Hidilyn, let them join all these competitions, in between SEAG and Tokyo Olympics. After siguro ng Tokyo, mas madami na (Filipino Olympic qualifiers),” aniya.

Samantala tiwala rin si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez na isa ang weightlifting na magbibigay ng karangalan para sa kampanya ng bansa sa nalalapit na 11-nation meet.

“The PSC has done its part in giving the athletes the opportunity to train and gave them exposure,” sambit ni Ramirez.

“The National Sports Associations (NSAs) have made their assessments on their chances and we are counting on them.”

Bagama't nakapag-uwi na ng silver medal buhat sa Olimpiyada si Diaz at gintong medalaya buhat naman sa Asian games, noong nakaraang taon, target pa rin nito na makasungkit ng gintong medalya buhat sa SEA Games.

Si Diaz ay nagwagi ng silver medals sa  Women’s -58kg division noong  2013 Myanmar at  2011 Indonesia edisyon ng biennial meet, habang bronze naman ang kanyang naiuwi noong  2007 Thailand meet.  Annie Abad