KUNMING, CHINA – Sinimulan ng Team Philippines ang kampanya sa 2019 Colorful Yunnan Belt And Road Initiative Kunming International Tennis Tournament sa impresibong 3-2 panalo laban sa liyamadong Thailand nitong Lunes sa Gloria Hotspring Resort Tennis Center.

CAPADOCIA: Top RP netter.

CAPADOCIA: Top RP netter.

Ibinigay ng tambalan nina Shaira Hope Rivera at Gab Tiamson ang winning match para sa bansa matapos maungusan ang tambalan nina C. Sookton-eng at V. Wongteanchai, 5-3, 2-4, 4-1 sa Group A round-robin format.

Nauna nang nagwagi si Rivera kasama si Clarice Patrimonio sa unang doubles event kontra D. Wongteanchai at R. Manatawewat, 4-1, 4-2 para maitabla ang serye sa 2-all.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ginapi ni Marian Capadocia si D. Tumthong, 4-2, 5-4 (4), para buhayina ng lampanya ng Pilipinas matapos mabigo sina Gab Tiamson at Aidyll Ignacio kontra K. Koaykul at C. Rakpuangchon, 1-4, 0-4, gayundin si Marcen Gonzales kontra C. Sookton-eng, 1-4, 2-4.

Kabilang si Philippine Tennis Association (Philta) president Atty. Antonio Cablitas sa delegasyon ng bansa na nauna nang nagwagi laban sa Brunei, 3-0 sa junior class.

Sunod na makakaharap ng national team, sa pangangasiwa ni coach Chris Cuarto ang top seed Kunming China, habang ang juniors squad, nasa pangangalaga ni coach Davis Alano, ay sasabak laban sa Myanmar sa 11-nation tournament.