Binayo ng Philippine Christian University-Dasmariñas ang National College of Business and Arts 127-77 upang panatilihing buhay ang tsansang makapasok sa semifinal sa PG Flex Linoleum-Universities and Colleges Basketball League sa Olivarez gym sa Parañaque City.

Pitong players ng Dolphins ang may double figures, na pinangungunahan ni Sandee Diez na may 19 points at kumalawit din ng 12 rebounds.

May tatlong panalo at limang talo ang PCU.

Nagtala si Lucien Mulamba ng 17 points at 9 rebounds, at nagdagdag si Laurents Paluoja at Carl Jasper Morillo ng 14 points para sa Dolphins, na tinapos ang first half na 65-27 ang lamang.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Nagbigay naman sina Paluoja at Morillo ng 7 boards, 11 assists at 6 steals.

Hindi nilubayan ng Dolphins ang NCBA at pinaabot ang lamang sa 93-58 sa third quarter.

Umiskor si Zahui Yousseff ng 11 points at six rebounds para sa PCU, na kailangang panalunin ang huli nitong tatlong laro para maabot ang semis.

Nagdagdag si Karloniel Austria ng 12 points.

Ito ang ika-walong straight na talo ng NCBA.