KINOPO ng bagong badminton sensation Solomon 'Monchie' Padiz,Jr. ng National University ang kanyang buwena-manong collegiate award na  Rookie of the Year sa nagtapos kamakailang UAAP  Season 82 Badminton Championship sa PNP Sports Center ng Camp Crane sa Quezon City.

PADIZ, JR. – Future ng Philippine badminton.

PADIZ, JR. – Future ng Philippine badminton.

Ang 18-anyos  Sports Education freshman student na si  Padiz ay nakapagtala ng 13-sunod na impresibong panalo sa Team Tie preliminary round,7 sa men's singles at 6 sa men's doubles categories.

Tinampukan ng 2018 Philippine National Games Open gold medalist na si Padiz ang pagdurog sa beteranong karibal na si Keon Asuncion ng Ateneo de Manila University via straight set, 21-9,21-14 sa Game 2 finals na naging instrumental sa six-peat tagumpay ng NU Bulldogs sa Universities Athletic Association of the Philippines badminton event.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

"Thanks God for everything,for giving me this new breakthrough in my badminton career," wika  ng bagitong kampeon na mistulang nagpasiklab ng  estilong - MVP sa Serge.

"This RoY award inspires me more in my quest for glory in the coming SEAGames where I will represent our country in badminton event",  aniya.

Inihandog niya ang parangal sa kanyang teammates,mentors,Kay NU Bulldogs top brass Hans Sy Sta Rosa City Mayor Arlene Arcillas at ever supportive na amang si  Solomon Padiz,Sr.-dating national athlete ng larong sepak takraw.

Matapos ang mabungang kampanya ni Padiz sa UAAP 82, diretso siya sa matinding pagsasanay sa Indonesia bilang preparasyon sa kanyang 'mission possible’ sa SEAGames na papalo sa bansa sa Nobyembre-Disyembre ng taon.