HOUSTON (AP) — Hinataw ni Carlos Correa ang leadoff home run sa 11th inning na nagbigay sa Houston Astros ng 3-2 panalo laban sa New York Yankees, at tabla na ang American League Championship Series 1-1.
Sinundan ni Correa ng tanaw ang bola, tinaas ang hintuturo bago ikutin ang bases. Nang papalapit na siya sa homeplate, inihagis niya ang kanyang helmet na parang nags-siyut ng basketball sa kanyang teammates.
May tig-isang win ang Astros at Yankees papasok sa Game 3 Martes sa Yankee Stadium.
Magsisimula para sa Houston ang pitcher na si Gerrit Cole, na leader sa major league sa strikeouts. Ipaparada naman ng New York si Luis Severino.
“The game of baseball, it’s a beautiful game,” sabi ni Correa, na na-sideline ng ilang games dahil sa back trouble.
Pinantayan ng Yankees ang League Championship Series record matapos gumamit ng nine pitchers. Nilimitahan ng eight relievers ang Astros sa isang run at two hits bago umiskor si Correa ng homerun.
Nagtagal ang game ng four hours, 49 minutes at maghahatinggabi na nang matapos.