Susubukan ng San Sebastian College na makuha ang 10th na panalo sa pagsagupa nito sa Arellano University upang hindi maiwan sa semifinal race sa 95th NCAA menâs basketball tournament.
Magsasagupa ang Stags at Chiefs 2 p.m. ngayon sa Filoil Flying V Centre.
Kahit na manalo ang San Sebastian ay nanganganib pa rin ito.
Kung mananalo ang Mapua kontra University of Perpetual Help System Dalta sa unang game, magkakaroon ng labu-labo para sa No. 4 slot.
Bitbit ang 9-7 card, lamang ang Stags ng isang game sa No. 5 Cardinals (8-8).
Haharapin ng College of Saint Benilde ang Jose Rizal University sa last game 4 p.m.
Ang Blazers (7-9) ay pwede pang makalusot sa semis. Pero wala na itong tsansa kung mananalo ang San Sebastian.
Asam ng Stags makausad sa huling linggo ng double-round eliminations.
Pasok na sana ang San Sebastian sa Final Four noong isang linggo pa, pero tinalo ito ng Mapua 90-73.
Dapat manaig ang Cardinals sa kanilang huling dalawing laro para magkaroon ng playoff para sa No. 4 slot. Pinagdarasal din ng Mapua na matalo ang Stags sa mga natitira nilang laro.