Ni Beth Camia

KAISA ang Nestle Philippines-MILO sa paghahangad ng Team Philippines para sa overall championship sa nakatakdang 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

UNITED! Tangan nina Veronica Cruz, Vice President, Nestle Philippines-MILO; at Hon. Alan Peter Cayetano, Chairman, PHISGOC; ang SEA Games torch bilang simbolo ng pagkakaisa para sa tagumpay ng Team Philippines sa biennial meet, sa inilunsad na MILO campaign kamakailan na sinaksihan nina (mula sa kaliwa) basketball star Kiefer Ravena; Lester P. Castillo, Assistant Vice President, Nestle Philippines-MILO; Ramon Fernandez, Philippine Sports Commission commissioner; volleyball star Alyssa Valdez at taekwondo jin Pauline Lopez.

Ipinahayag ng pamunuan ng MILO ang pakikiisa sa isinagawang programa kaisa ang Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) kamakialan sa Conrad Hotel Manila kung saan bahagi ng misyon ng MILO ang mapalakas ang kampanya ng Team Pilipinas.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nakiisa sa media conference sina Veronica Cruz,  Vice President,  Nestle Philipines-MILO; Lester P. Castillo,  Assistant VP,  Nestle Philippines-Milo; Hon. Alan Peter Cayetano, PHISGOC Chairman; POC President;  at PSC Commissioner Ramon Fernandez  (kumatawan kay PSC Chairman at SEA Games Chef de Mission William "Butch" Ramirez), na pawang nagbigay ng kanilang mga pananaw para mas mapataas ang level ng pagiging kompetitibo ng atletang Pinoy.

Sumaksi rin sa napakalaking okasyon ang national athletes at MILO Sports Program graduates at ambassadors Alyssa Valdez (MILO champion-volleyball),  Pauline Lopez (taekwondo) at Kiefer Ravena (MILO BEST Center- basketball),  nagparating din ng kanilang mga naging inspirational stories simula sa MILO sports programs nang mga bata pa sila at ngayon ay ipiniprisinta na ang bansa sa global stage.

Ang tema sa taon na ito na " We Win As One",  ay nakasentro sa pagkakaisa at kahalagahan ng teamwork at sportsmanship.

"As a long time supporter of Philippine sports,  it is with great honor and privilege that MILO comes in as a gold partner for the historic 30th SEA Games, " paliwanag ni VP Cruz." As our athletes and local sports communities continue to work hard in the preparation for the SEA Games,  we want to help energize the country to cheer them on and let them know that we are all with them in defending our homecourt,  win or lose."

"In this significant time for Philippine sports,  we must push all our endeavors to its advancement. MILO,  who have tirelessly workef with to promote sports development and values formation at the grassroots level nationwide, has long made valuable contributions to the  Filipino sporting community. We are happy to declare our partnership with MILO to strenghten our international footholdvin sports and to " Win as One" as we energize a nation of champions. Laban Pilipinas!".