NA-BASH si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ng mga bashers na paboritong mag-abang ng mga bagay na hindi nila naiintindihan at basta na lamang magko-comment may masabi lang. Kaya naman ang mga fans ni Marian to the her rescue sa nasulat tungkol sa sitwasyon ng traffic sa Pilipinas na naitanong sa kanya noong launch niya as the WalterMart celebrity endorser. Masama ba ang personal na sagot ni Marian nang tanungin siya kung hindi siya namumoproblema sa trapik tulad ng ordinaryong mga tao?

Marian

Nakausap namin si Marian nang muli na siyang mag-report as one of the hosts ng Sunday noontime musical-variety show na “Sunday PinaSaya” last Sunday, October 13.

“Matagal nang may traffic, at wala nang dahilan para kunsumihin mo ang sarili mo sa traffic,” sagot ni Marian. “Para sa akin, kung may lakad ka, pumunta ka nang mas maaga para hindi ka matrapik. Sa sasakyan, marami kang pwedeng gawin, mag-cellphone ka, magsulat ka, iyon na ang time mo para sa sarili mo. Makikita mo, hindi mo napansin, nakarating ka na pala sa pupuntahan mo.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kasunod nga ng sagot ni Marian, bashings na ng mga hindi nakaintindi, kaya reaction na lamang ni Marian: “hindi ko inaalis na ma-misquote ako, pero sana bago sila mang-bash, basahin munang mabuti ang nasulat na sagot at huwag mag-react agad. Ang sagot ko po ay personal kong reaction dahil iyon ang ginagawa ko talaga kapag natatrapik ako.”

Ang ibang tao kasi, gusto nilang magsalita si Marian nang laban sa trapik o sisihin ang gobyerno tungkol sa trapik. Kaya nga ang mga netizens reaction nila, nagtataka sila kung bakit ang sagot ni Marian ay kailangang ma-bash siya, wala namang siyang sinabing masama. Hindi raw deserved ni Marian ang bashings nila dahil hindi naman siya tulad government officials na nagpapasasa sa tax money na ibinabayad natin.

In fairness din kasi kay Marian, kapag may launch or presscon siya, hindi mo siya puwedeng sabihan na late siya, dahil maaga talaga siyang dumarating kahit malayo ang venue na kanyang pupuntahan.

Anyways, bago nagsimula ang Sunday PinaSaya, (SPS)” natanong pa rin si Marian, kung kailan ba siya talaga mapapanood sa isang teleserye at kung kailan sila muli magtatambal ng asawang si Dingdong Dantes.

“Gusto ni Dingdong, magkasama kami sa isang sitcom. Tingnan natin next year, kapag natapos na niya ang Descendants of the Sun, baka matuloy na ang muli naming pagsasama sa isang TV project. Last pa naming teleserye, ang Beloved, eight years ago.” As to a musical show, like ng Marian, hindi pa ako ready na humataw muli ng sayaw. Baka may gawin din kaming isang episode ni Dong sa Tadhana, tulad ng promise namin noon.”

-Nora V. Calderon