MAS pinaigting at pinagtibay ng Go for Gold Philippines ang pakikipagtambalan sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para masuportahan ang atletang Pinoy sa kanilang pagsabak sa 30th Southeast Asian Games (SEA Games) sa Nobyembre.

HINIMOK ng Go for Gold at PCSO ang sambayanan na suportahan ang programa para mas mapataas ang remittance na magagamit ng atletang Pinoy sa kanilang pagsasanay sa SEA Games.

HINIMOK ng Go for Gold at PCSO ang sambayanan na suportahan ang programa para mas mapataas ang remittance na magagamit ng atletang Pinoy sa kanilang pagsasanay sa SEA Games.

Kabuuang 20 mula sa 200 atletang sinususportahan ng Go for Gold ang malaki ang tsansa na makapagwagi ng gintong medalya sa SEA Games, kumpiyansang pahayag ni Go for Gold Philippines chief Jeremy Go.

"I believe our athletes are all very well prepared and highly motivated. I'm sure that we will have a very good performance," pahayag ni Go, Marketing Manager ng Powerball sa isang press briefing na ginanap sa Mandaluyong nitong Lunes, kasama si PCSO General Manager Royina Garma.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Layunin ng dalawang grupo na paigtingin pa ang suporta sa mga atetang Pinoy bukod sa suportang natatanggap ng mga ito buhat sa gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC).

Kabilang sa mga atleta na sinusuportahan ng Go for Gold ay sina  Asian Games gold medalist, margielyn Didal, ang mga  champion triathletes na si Nikko Huelgas at Kim Remolino, siklistang sina Daniel Ven Carino at Ismael Gorospe Jr. at ang chess International Master na si Marvin Miciano.

Umaasa ang pamunuan ng Go for Gold at ng PCSO na mas dumami pa ang mga atletang masusuportahan ng organisasyon.

"Of course  if we can,  we would want to support more athletes para naman mas lalo pang dumami ang mga champions natin. But since we have this partnership with the PCSO, sana mas marami pa tayong matulungan at masuportahan na mga atleta," ani Go. Annie Abad