Nakuha ng Ceres-Negros pangatlong straight na Philippines Football League titulo nang talunin nito ang Green Archers United 3-1 sa Aboitiz Pitch sa Lipa City, Batangas.

Pinasok ni Angelo Marasigan ang equalizer at dalawang goal ang sinunod ni Bievenido Maranon para selyuhan ang korona para sa Busmen kahit na may dalawang games pa ang natitira sa season.

May 56 points ang Busmen, lamang ng anim sa pumapangalawang Kaya-Iloilo.

Igagawad sa team ni Coach Risko Vidakovic ang tropeo Sabado matapos ang laban ng Ceres kontra Kaya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nanalo ang Ceres kahit wala ang key players na kasama sa Philippine Azkals na naghahanda para sa FIFA World Cup Qualifiers.

Unang nakaiskor si John Celiz ng United sa first half.

Pinbasok ng Marasigan ang tying goal five minutes sa second. Sinundan naman ito ng dalawang goal ni Maranon, ang kanyang 26th and 27th ngayong season.

Pinasok ni Maranon ang first goal mula sa spot dahil sa handball error ng United.

-Jonas Terrado