Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

10:30 n.u. -- DLSU vs UE (Men)

12:30 n.h. -- Ateneo vs FEU (Men)

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

4:00 n.h. -- UST vs UP (Men)

TARGET ng defending champion Ateneo de Manila na manatiling malinis ang marka sa muling pakikipagtuos sa Far Eastern University sa second round ng UAAP Season 82 Men's Basketball Tournament ngayon sa Araneta Coliseum.

Isa si Kobe Paras (kaliwa) sa mga frontliner ng UP na naitumba ng Ateneo. (Rio Deluvio)

Isa si Kobe Paras (kaliwa) sa mga frontliner ng UP na naitumba ng Ateneo. (Rio Deluvio)

Puntirya ng Blue Eagles ang ika-11 sunod na panalo sa pagsagupa nila sa Tamaraws sa ikalawang laro ngayong 12:30 ng hapon.

Mauuna rito, magtutuos sa unang salpukan ganap na 10:00 ng umaga ang De La Salle at University of the East habang magtatapat sa tampok na laban ganap na 4:00 ng hapon ang University of Santo Tomas at University of the Philippines.

Hangad ng Ateneo na manggagaling sa muling paggapi sa kanilang archrival La Salle noong Linggo,77-69, na duplikahin ang naging panalo nila kontra FEU noong first round sa iskor na 63-46.  Marivic Awitan