PINAGHARIAN ni National Master Engr. Robert Arellano ang katatapos na Metro Manila leg ng tinampukang 2019 Grandmaster (Atty.) Rosendo Carreon Balinas Jr. Chess Cup National Executive Chess Grandprix  nitong Sabado sa Alphaland Makati Place, Makati City.

PINATUNAYAN ni Magtangol Rondina na hindi hadlang ang kapansanan para makibahagi sa sports sa PWD division ng Balinas Cup chess tournament.

PINATUNAYAN ni Magtangol Rondina na hindi hadlang ang kapansanan para makibahagi sa sports sa PWD division ng Balinas Cup chess tournament.

Ang dating pambato ng University of Santo Tomas na si Arellano ay naka kolekta ng limang puntos mula sa apat na panalo at dalawang tabla para magkampeon sa six-round Open Class A tournament ( 2000 and above limit rating).

Nakapagtala si Arellano ng panalo kina Atty. Melzar Galicia sa first round, Florel Cruz sa second round, Atty. Cliburn Anthony Orbe sa fourth round, National Master (NM) Noel Dela Cruz sa fifth at penultimate round.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Siya ay nakipaghatian ng puntos kina Kevin Mirano (third round) at International Master (IM) Angelo Young (sixth round).

Tumapos si Mirano ng second overall na may 4.5 points mula sa three wins at three draws.

Si Young na natalo kay Atty. Orbe sa second round ay nakisalo sa 3rd hanggang 4th placers kasama si fellow four pointers Stephen Manzanero.

Samantala ay nakaungos si Andrew Sorima sa tiebreak para maghari sa challenger section (1999 and below limit rating).

Sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines na magkatuwang na inorganisa nina Philippine Executive Chess Association president Dr. Jenny Mayor at Mr. Dandel Fernandez sa pakikipagtulungan ng D'TravEL Queen Travel and Tours, Maynilad Chess Team, Novelty Chess Club at ng Alphaland Mall