PATULOY at walang humpay ang suporta ng Aboitiz sa paglago ng football sa bansa.
Sa nakalipas na dalawang dekada, nananatili ang AboitizLand Football Cup (dating Aboitiz Football Cup) bilang nangungunang grassroots sports development sa sports at sa Oktubre 20 muling itatampok ang mga batang footballer sa pagbubukas ng bagong season sa Aboitiz Pitch sa loob ng The Outlets sa LIMA Estate sa Lipa City, Batangas.
Ang ika-25 edisyon ng torneo ay kaalinsabay sa pagbabago gamit ang AboitizLand, sa pakikipagtulungan ng RSA 1 Group.
“With the AboitizLand Football Cup and the Aboitiz Pitch as our home venue, we hope to reinforce the Aboitiz group’s objective of supporting the country’s grassroots football development, as well as in promoting continuing education for football practitioners in the region,” pahayag ni Eduardo Aboitiz, Commercial Business Unit Head ng AboitizLand, sa isinagawang media conference kamakailan.
“The Aboitiz Football Cup has been providing a platform to highlight the significance of sports in value formation. Beyond honing physical skills, participants are taught the importance of discipline, teamwork, and respect, which are tools to leverage in their everyday lives outside of the football pitch,” aniya.
Halos 90-minuto ang layo sa Manila, ang Aboitiz Pitch ang pinakamalawak na ‘artificial turf’ sa Luzon. Bukod sa pagbibigay nang worls-class venue para sa football enthusiasts, mabibili rin sa The Outlets ang ibalt ibang global sports brands.
Bilang patunay sa mataas na kalidad, isinasagawa sa Lipa venue ang
national football tournaments tulad ng Philippine Football League, Youth Football League, at local tournaments tulad ng Lipa Football League.
Isasagawa ang AboitizLand Football Cup tuwing weekends simula sa Oktubre 20 hanggang Disyembre.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Aboitiz Football Cup’s official Facebook page at www.facebook.com/AboitizLandFootballCupOfficial.