Nakaukit na sa kasaysayan ng Philippine gymnastics ang pangalan ni Carlos Yulo.

Si Carlos Yulo ang naghari sa floor exercise sa World Artistic Championships sa Stuttgart, Germany.

Si Carlos Yulo ang naghari sa floor exercise sa World Artistic Championships sa Stuttgart, Germany.

Nasungkit ni Yulo ang kaunaunahang gold medal ng Pilipinas sa gymnastics nang manalo siya sa floor exercise sa 49th FIG World Artistic Championships sa Stuttgart, Germany, Sabado ng gabi.

Nagpakita siya ng kakaibang gilas upang makatala ng 15,300 points, ang pinakamataas sa walong finalists.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Kasama sa naungusan ng 19-anyos na Yulo ang top qualifier at Olympian na si Artem Dolgopyat ng Israel (15.200) at multiple world champion Xiao Routeng ng China (14.933).

Naka-8.800 siya sa execution na may 6.500 degree of difficulty – ang pinakamataas sa mga finalist.

Nag-sugal si Yulo nang iangat niya ang kanyang degree of difficulty mula 6.2. Ngunit humakot naman siya ng tagumpay.

Siya ang unang Filipino world champion sa floor exercise.

Gumawa na siya ng kasaysayan nang manalo siya ng bronze sa Doha, Qatar, noong 2018, ang kaunaunahang Filipino at lalaking Southeast Asian na naka-medalya sa world championships.

“Actually last year, I was looking at my medal and I was like, ‘I will get the gold medal next year,’” sabi ni Yulo nang interbiyuhin siya sa television. “(Winning the gold right now), it’s ridiculous. I don’t know.”

Malayo na ang narating ng 4-foot-11 na Yulo mula sa pagsali niya sa grassroots tournaments gaya ng Batang Pinoy at Palarong Pambansa. Pasok na siya 2020 Tokyo Olympics kung saan maaaring maging first Filipino na maka-gold.

Tuwang-tuwa si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Butch Ramirez sa performance ni Yulo.

“We are all thrilled with the golden performance of Caloy (Yulo’s nickname) in the world champs,” ani Ramirez.

Isang hero’s welcome ang inihahanda ng PSC para kay Yulo pagbalik niya sa bansa bukas.

Pinondohan ng PSC ang training niya sa Japan sa nakaraang tatlong taon. Ang Japanese na si Munehiro Kugimiya ang kanyang coach sa loob ng anim na taon.

Ayon kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) President Cynthia Carrion, marami ang nagtulong-tulong upang makapag-ensayo si Yulo abroad.

Pitong taon pa lang si Yulo nang makita siya ni Carrion na lumahok sa Palarong Pambansa bilang athlete ng Doña Aurora Quezon Elementary School sa Manila.

-Kristel Satumbaga