ILANG beses na kaming nakapanood sa New Frontier Theater na dating KIA Theater ay nitong Sabado, sa Lee Seung Gi’s Vagabond Voyage tour lang namin nakitang punumpuno ito as in walang bakanteng upuan lalo na sa balcony section considering almost P10,000 ang ticket.
Talagang pinaghandaan ito ng Filipino fans ni Seung Gi dahil kahit mahal ang tickets ay bumili sila at gusto nilang makiisa sa 15th year celebration ng kilalang aktor/singer sa Korea.
Hindi naman nabigo ang Airen fans dahil todo hataw si Lee Seung Gi sa pagsayaw habang kumakanta at game rin niyang sinagot ang katanungan mula sa supporters.
Ipinakita ang ilang video sa umeereng Vagabond series sa Netflix kung ilang beses naaksidente si Lee Seung Gi at higit sa lahat, wala pala siyang ka-dobol sa stunts niya kasi nga stuntman ang role niya.
Anyway, nakabibingi ang hiwayan sa apat na sulok ng New Frontier Theater at isa rin sa nakita naming kinilig habang nanonood ay ang Chief Operation Officer ng ABS-CBN na si Ms Cory Vidanes.
Anyway, ang Manila ang unang destination ni Lee Seung Gi para sa kanyang Vagabond Voyage Tour na produced ng ABS-CBN Events at CDM Entertainment
-Reggee Bonoan