ILULUNSAD na ngayong buwan ang Las Islas Music Festival, ang widest Pinoy music festival na pangungunahan ng 6SK Entertainment sa pakikipagtulungan sa local governments.

Tiyak na ikatutuwa ng music fans sa buong kapuluan ang kakaibang music fest na ito dahil kumpara sa halos lahat ng entertainment contests ay hindi ito Manila centric.

Lilibutin ng Las Islas Music Festival ang iba’t ibang probinsiya at mga pangunahing siyudad sa Pilipinas.

Layon ng Las Islas musicfest na maabot ang lahat ng mga kababayan natin na may angking galing sa musika.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Inaasahan ng 6SK Entertainment na makikiisa sa kanila ang lahat na mahuhusay na musikero mula sa mahigit 7,000 isla ng bansa.

Tinitiyak ng mga namamahala sa musicfest na magiging katuwang sila para maipamalas sa lahat ang itinatago nilang talento. Hangad ng bagong music festival na masuportahan ang OPM artists, matutuklasan pa lang o datihan man.

Ang first leg ng Las Islas Music Festival ay gaganapin sa Visayas Islands sa Oktubre 25, 26, and 27 in Bacolod, Iloilo at Aklan, ayon sa pagkakasunod. Sa unang tour sa mga isla, itatampok ng Las Islas Music Festival ang exciting mix ng OPM artists na magtatanghal ng original hits at covers.

Magtatanghal ang R&B singer-songwriter na si Daryl Ong. Produkto ng reality competition na The Voice of the Philippines na popular ngayon sa kanyang R&B groove sa TV outings at sa kanyang sariling YouTube channel.

Makakasama niya ang naging finalist ng World of Dance Philippines na si Ken San Jose, ang crossover artist na si Jade Riccio, si Claudia Barretto, ang bagong Star Music contract band na 1NEBAZE na binubuo ng magkakapatid na Haidez, Sor, Joong at Baby G.

Kasama naman ang TNT finalist and Pop Alternative artist na si Sam Mangubat sa Bacolod at Aklan shows samantalang sa Iloilo naman sasali ang Pop, R&B and reggaetón performer na si Bugoy Drilon.

Gaganapin ang Las Islas Music Festival sa Bacolod Panaad Stadium sa October 25; sa Iloilo Barotac Nueva Plaza sa October 26; at sa Aklan Sports Complex sa October 27. Lahat ng show ay magsisimula ng 6 PM.

Marami lang music artists na sasali sa mga susunod na pagtatanghal. Binabalak din ng organizers ang pagsali ng foreign artists sa mga susunod na show.

-DINDO M. BALARES