Umani ng batikos si Asia’s Songbird, Ms. Regine Velasquez-Alcasid mula sa mga netizens na na-offend umano sa naging komento nito sa isang lugar sa Quezon City, sa kanyang vlog.
Sa vlog post ng singer noong October 10, ibinahagi ni Regine ang kanyang luxury bag collection, kung saan ibinahagi nito ang isang vintage Fendi leather bag.
Sa pagbabahagi nito, ikinumpara niya ang mabahong amoy ng kanyang leather bag sa Payatas, na dating garbage dumpsites ng Metro Manila.
“This one is funny kasi nakakatawa ang istorya nito. Itong bag kasi na ito, mabaho... I remember, nung binili ko talaga siya, ang baho talaga niya.”
Dagdag pa nito, “Ang ganda niya, di ba, ‘tapos yung leather niya naka-emboss. It’s so beautiful and intricate and ang ganda ganda ganda ganda niya.”
Ang mismong bag na ito rin ay ginamit niya noong bumisita siya sa Payatas para sa isang documentary.
Ayon sa singer,” Ang kuwento kasi nito, kabibili ko lang....i bought that in HongKong,i think.During that time, MTV asked me to do a documentary for street children and I went to Payatas, nakakatawa.
“Kasi kapag nasa Payatas ka na, hindi mo na maamoy yung basura, e. Kasi kayo, pare-pareho na kayo ng amoy dun.
“This is the bag I was wearing, so after the whole shooting, akala ko nasa Payatas pa rin ako. Yun pala yung bag ko yung mabaho. Mas mabaho pa siya sa Payatas.”
Dahil dito, inulan ng batikos mula sa netizens ang kanyang naging komento.
At nitong Sabado, October 12, through twitter ay humingi naman ng paumanhin si Regine sa kanyang mga na-offend na netizens.
“I would like to sincerely apologize to the people of Payatas for my insensitive comment. It was not intentional and I should be more careful with the things I say. Pasensya na po God bless bless po :)”
-Ador V. Saluta