Umarangkada si Sisi Rondina upang iusad ang Petron sa 25-11, 20-25, 25-22, 25-27, 16-14 panalo kontra Cignal sa Philippine Superliga Invitational Conference Sabado sa Caloocan Sports Complex.
Walang pang talo sa Pool C ang Petron at malaki ang naitulong dito ni Rondina.
Nakarekober ang Blaze Spikers sa matamlay na 4-9 simula upang burahin ang 10-13 deficit sa fifth set upang matamo ang panalo.
Ang dating star spiker ng University of Santo Tomas ay nagtala ng 29 kills at 4 aces para sa game-high 33 points para sa Petron, na bumbandera sa standings sa 5-0 record.
Makakamit nito ang sweep ng eliminations kung tatalunin ang PLDT Home Fibr sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
“Coming into this game, we wanted to end our misfortune against Cignal,” sabi ni Rondina, na ginunita ang pagkatalo sa HD Spikers sa semifinals ng All-Filipino Conference dalawang buwan na ang nakalilipas.
“We didn’t stop fighting and we stuck with our game plan until the very end,” aniya.
“I’m giving my best every game,” dagdag niya. “I treat each practice like an actual game and an actual game like a championship game.”
Haharapin ng Petron ang No. 2 team sa Pool D sa knockout semifinals bukas sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos City, Bulacan.
Nagdagdag si Aiza Maizo-Pontillas ng 21 points para sa Petron. May 8 points naman si Bernadeth Pons, kasama ang 19 digs at six excellent receptions.
Isang point na lang ang kailangan ng Blaze Spikers sa fourth set para ibulsa ang panalo, pero bumomba ang HD Spikers ng 10-1 run upang makuha ang set.
Gumawa ng 20 points si Mylene Paat para sa HD Spikers, habang 16 markers at 7 blocks ang galing kay skipper Rachel Anne Daquis.
Meron namang 10 points at 21 digs si Gonzaga.
Ito ang unang talo ng Cignal sa apat na matches. Tinapos nito ang elimination round sa second spot ng Pool C upang ikasa ang sudden-death semis duel kontra ang top team sa Pool D.