Target ng De La Salle University ang back-to-back championship sa pagsisimula ngayon ng UAAP Season 82 Poomsae Tournament sa Blue Eagle Gym.

Mami-miss ng Green Jins mula Taft si Rinna Babanto, na tinapos ang kanyang collegiate career na may gold sa individual female at mixed pair events. Tinanghal siyang ang kaunaunahang poomsae MVP noong nakaraang taon.
Isang dating world champion, binitbit ni Babanto ang De La Salle sa dalawang championship titles sa huling tatlong seasons.
Magisisimula ang one-day event 1 p.m.
Sasandal ang Green Jins kay Patrick Perez, na siyang Rookie of the Year matapos mag-team up kay sa Babanto para makuha ang mixed pair gold.
Masusubukan ang La Salle ng University of Santo Tomas na balak makuha muli ang title na pinanalo nito dalawang taon na ang nakalilipas, at University of the Philippines na isa ring contender.
Pumangalawa ang Tiger Jins noong 2018 at third place ang Fighting Maroons.
Ang juniors taekwondo ay magsisimula 8 a.m. Naghahari dito ang UST.
Ang men’s at women’s taekwondo ay magsisimula bukas.