SINGAPORE – Sa nakaraang dalawang dekada, 28 beses nang nagharap ang Pilipinas at Singapore para sa korona ng water polo sa Southeast Asia.

Ni minsan ay di pa nananalo ang mga Filipino sa mga Singaporean sa water sport na ito.

Hangad ng mga opisyales ng Philippine water polo na magbabago ang ihip ng hangin pagdating ng 30th Southeast Asian Games, na gaganapin sa Pilipinas ngayong Nobyembre.

Kaya puspusan ang training ng Philippine team para sa Games.

Kasama sa training ang pagsali sa 2019 FIBA Water Polo Challengers’ Cup sa OCBC Aquatic Centre sa Singapore.

'Keep it up!' Manny Pacquiao, proud na proud kay Alex Eala

Malalaman kung nagbunga na ang training ng team matapos ang laro nito laban Singapore na naka-schedule kagabi.

“It’s going to be an exciting match because we’ll see where we are in terms of our preparation for the SEA Games, particularly against Singapore,” saad ni team coach Rey Galang.

“We’ve been preparing for the SEA Games since 2017 after the KL meet, and this is important (game) because this the first time we’ll play Singapore in a pre-SEA Games meet. Before we don’t have that opportunity,” ani Galang.

May isang panalo at isang talo ang Pilipinas as torneo. Natalo ito sa Ireland noong Martes at nanalo sa Zimbabwe (16-2) noong Miyerkules.

Wala pang talo ang Singapore sa dalawang laro matapos talunin ang Zimbabwe at Malaysia.

Silver medal lang ang naiuwi ng water polo team sa SEA Games noon 2005, 2007 at 2009. Noong 2015, fifth place lang ang team at fourth noong 2015.

Nang mag-4th place ang Pilipinas noong 2011, nag-retire ang core group ng national team at ang naiwan lang ay ang goalie na si Tani Gomez.

Si Roy Cañete, na nagretiro noong 2009, ay bumalik sa team noong 2017. Hanggang ngayon ay isa pa rin si Canete sa namumuno sa offense ng team, kasama sina Adan Gonzales, Maui Valdez at Aljon Salonga.

Kasama rin sa team sina Macgyver Reyes, Paolo Serrano, Mico Anota, Abnel Amiladjid, Romark Belo, Mummar Alamara, Matthew Yu at Fil-Am Vince Sicat.