HINDI nakapagtimpi si Robin Padilla sa netizen na kumuwestiyon kung bakit sa Amerika manganganak ang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla at pagkatapos ay babalik ng Pilipinas. Giit na hindi naman talaga nakatira sa nasabing bansa ang wifey ng aktor.

Lumabas sa Filipino Guide website ang palitan ng salita nina Robin at ng netizen na nangangalang georg_supreme.

Sa pamamagitan ng screenshots, mababasa ang palitan ng komento ng netizen na nangangalang georg_supreme sa wifey ni Robin at tinag pa ang Presidente ng Amerika na si Donald Trump at ng aktor.

Ayon sa netizen, “@realdonaldtrump this woman @marielpadilla she does not live in the USA. She only goes in the US to give birth! Therefore, she’s a birther! Not Allowed.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May netizen (tinakpan ang pangalan) na sinagot ang basher ni Mariel, “georg_supreme so what? If she wants to give birth in the US what’s wrong with that, is it because you live in US?

Tinag din ni georg_supreme ang @abscbn @twbaofficial @gmanews.

Muling sumagot ang netizen na nagtatanggol kay Mariel, “@georg_supreme this is not about living in the Philippines or the other country, is not your decisions whether she or other women’s decide where they want to give birth.”

At dito na sumagot si Robin na hinamon ang netizen, “@georg_supreme nasan ka putang ama mo.

Hindi nagpatinag ang netizen at tila lalo pang pinag-init ang ulo ng aktor, “@robinhoodpadilla translation: you’re asking where I’m at? Here (balloon emoji) 14’ 35’ 58.2432’ N and 120’ 59’ 3.1992 E. Still I’ll report the birther to homeland security.

Dito na sinabi ni Robin na kaya matapang ang netizen ay dahil ginagamit niya ang homeland security.

Aniya, “georg_supreme kaya ka pala matapang nagtatago ka sa saya ng homeland security mo kapag nagkaroon ka na ng bayag magsalita sa harap ko isama mo na ‘yun homeland security mo, message niyo lang ako kung san gusto niyo sa Cuba, puede tayo magkita sa Cuba.”

For the record ay Blue passport ang gamit ni Mariel o US citizen siya kaya anumang oras ay puwede siyang pumunta ng Amerika at choice niya kung saan niya gustong manganak. Doon din niya ipinaganak ang panganay nila ni Robin na si Isabella.

-Reggee Bonoan