BACOOR CITY – Sinakyan ng Bacoor Strikers ang 28-point performance ni RJ Ramirez upang sagasaan ang Cebu City Sharks, 88- 71, Huwebes, sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season sa Strike Gymnasium dito.

Ang 6-foot Ramirez, na naglaro sa Toronto, Canada, bago bumalik sa Pilipinas at sumali sa Far Eastern University, ay umiskor ng 17 points sa fourth quarter at isulong ang Strikers sa kanilang seventh straight win at iangat sa 15-2 ang kanilang record sa South division ng 31-team na liga. Pasok ang lahat ng 11 field goal attempts ni Ramirez, kasama ang two triples, at four for four free throws.

Kasama si MPBL Datu Cup MVP Gab Banal, hinila ni Ramirez ang Strikers mula sa 22-31 deficit. Kumasa si Banal ng 21 pointS. Sumali din sa scoring sina Bill McAloney Jr. na nagbigay ng 23 points at Rhaffy Octobre na may 19.

“Tsamba lang,” pagpapakumbaba ni Ramirez sa kanyang perfect performance.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanalo din ang Zamboanga Family’s Brand Sardines at Nueva Ecija Rice Vanguards.

Bumuga ng 10 points ang Zamboanguenos sa fourth quarter para padapain ang Pampanga Giant Lanterns, 73-59.

Kinuyog naman ng Novo Ecijanos ang Soccsksargen Marlins, 89-50.