Huhugot ng kumpiyansa ang Motolite mula sa five-set win nito laban PetroGazz sa pagharap sa BaliPure sa crucial stage ng Premier Volleyball League Open Conference eliminations sa The Arena sa San Juan City.

Tinuldukan ng Motolite ang eight-game streak ng PetroGazz noong Miyerkules, 22-25, 25-13, 25-16, 16-25, 15-11.

Hinigpitan din nito ang hawak sa No. 4 slot sa huling dalawang linggo ng double-round elims.

Kung mananalo ang Motolite, sasabayang nito ang third-running BanKo-Perlas na may 9-5 na karta.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Aangat din ang Motolite sa tatlong team na naglalaban-laban para sa huling Final Four seat ng season-ending conference.

Kasama sa siksikan ang Choco Mucho at Air Force, na maghaharap din ngayong araw.

May 6-8 record ang Flying Titans at 5-7 ang Jet Spikers. Bitbit ang 12 straight victories, ang Creamline ang natatanging team siguradong pasok na sa post-season.

Pero inaasahan ng BaliPure, na may 4-10 slate, ay makasilat at guluhin ang standings.

Sina Tots Carlos at Bernadette Flora at setter Fem Emnas, na nagkumbinasyon para pataubin ang PetroGazz, ang muling aasahang ng Motolite, kasama sina Aie Gannban, Isa Molde, Jessma Ramos at Myla Pablo.