STUTTGART, Germany (AFP) – Nakamit ni US gymnastics superstar Simone Biles ang kanyang 16th world championship gold medal at fifth all-around title sa Stuttgart Huwebes. Iyon ang 22nd world medal ng 22-anyos na Biles, at isa na lang ang kailangan para sa all-time record.

Si Simone Bilesna ang most decorated woman sa kasaysayan ng world gymnastics championships.

Si Simone Bilesna ang most decorated woman sa kasaysayan ng world gymnastics championships.

Silver si 16-anyos Tang Xijing ng China, at bronze si Angelina Melnikova ng Russia.

Hawak na ni Biles ang record bilang most decorated woman sa world championships history. Isang medal lang ang lamang ni male gymnast Vitaly Scherbo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nanguna si Biles mula sa simula. Umiskor siya ng 15.223 points sa vault. Sinundan niya ito ng solid display sa uneven bars, kung saan pumoste siya ng third-highest score.

Gold si Biles sa beam at nagtala ng 14.400 sa floor exercise. Kailangan lang niya ng 12.300 para makuha ang title.

Susubukan niyang dagdagan ang kanyang medal tally at basagin ang record ni Scherbo sa four apparatus finals ngayong weekend