STUTTGART, GERMANY - Sasabak si Carlos Edriel Yulo sa mga bigatin ng global gymnastics sa men’s all-around finals ng 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Hans Martin Schleyer Halle Biyernes.

Ang 19 anyos na Yulo ay pasok na sa 2020 Tokyo Olympic Games dahil sa 18th overall finish niya sa all-around qualifiers noong Lunes kung saan may aggregate tally siya ng 82.164 points sa six apparatuses.

Nakatala siya ng 77.64 points at naging 23 sa overall sa 24 finalists sa kanyang debut sa worlds noong 2018 sa Doha, Qatar. Si Arthur Dalaloyan ng Russia ang naka-gold medal sa score na 87.898 points.

Sa kanyang pagbalik upang ipagtanggol ang title, umani si Dalaloyan ng 86.531 points para sa No. 2 sa spot qualifiers. Nanguna ang isa pang Russian at pre-tournament favorite na si Nikita Nagornyy, na may 87.333 points. Pangatlo si Xiao Ruofeng ng China, na double gold medalist sa Doha.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Dalaloyan at Nagornyy ang nanguna sa Russian squad na sumungkit sa men’s team championship Miyerkules. Second ang China at third ang Japan.

Maglalaban-laban si Yulo at ibang pang finalists sa rings, vault, parallel bars, horizontal bar, floor exercise, at pommel horse.

Sabi ni Munehiro Kugimiya, ang Japanese coach ni Yulo: “Caloy has improved so much since the 2018 competition so we are aiming for a better finish here than in Doha.”

Si Kugimiya din ang head coach ng national men’s gymnastics squad.