NANG dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao Airport mula sa kanyang state visit sa Moscow, Russia, nitong nakaraang Linggo, muli niyang tiniyak sa mga guro na makukuha nila ang matagal nang ipinangakong umento sa suweldo ngayong taon.
“It is coming -- ang increase nila, but hindi doble,” sinabi niya. “The last time they were discussing was about 35, but it could be more. I do not know,” aniya. “They” must be the members of Congress who are to approve the budget for the salaries of government workers. “About 35” ang pinaniniwalaang magiging percentage increase sa suweldo ng mga guro.
Isang taon matapos mahalal ang Pangulo noong 2016, nagtagumpay siyang mahimok ang Kongreso na doblehin ang suweldo ng mga tropa ng pamahalaan – 172,000 sundalo at 170,000 pulis – ang nagsimulang makatanggap ng mas mataas na suweldo noong Enero, 2018. Para doblehin ang suweldo ng 600,000 guro sa bansa nangangailangan ng mahigit P300 bilyon. Kayat kinailangang ipagpaliban ang pagtaas sa suweldo ng mga guro, gayundin ng iba pang empleyado ng gobyerno.
Ngunit paulit-ulit nang tiniyak ng Pangulo sa mga guro na tiyak na sila na ang susunod na makatatangap ng umento. Sa kanyang pagbabalik mula sa Russia, muli niya itong tiniyak sa kanila. Ang mga pondo ay kailangang maisama sa national budget para sa 2020 na ngayon ay pinagdedebatehan ng Kongreso.
Hindi nakasisiguro ang iba’t ibang samahan ng mga guro sa bansa kung ano ang kanilang aasahan. Ikinalugod ng Teachers Dignity Coalition (TDC) ang huling pahayag ng Pangulo, ngunit “there is no indication” na ang Kongreso ‘is going along with the President’s wishes,” ayon dito. ”Baka umasa na naman kami nang husto at bandang huli ay mabigo,” dagdag nila.
Binanggit ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na hindi kasama sa House-approved 2020 budget ang P31 bilyon para sa dagdag suweldo ng mahigit 1.5 milyong empleyado ng gobyerno, katumbas ng halos P2,000 kada buwan – na umaabot sa 35 percent figure na binanggit ng Pangulo. Hindi ito sapat “to allow us a decent living and dignify our profession,” sinabi ng ACT – na humihirit ng P35,000 basic pay.
Maaaring mga inaasam ng mga empleyado ng pamahalaan ay unduly raised nang dinoble ang suweldo ng mga tropa noong 2018. Ang iba pang government work force, kabilang ang mga guro ay kailangang harapin ang realidad na ang kasalukuyang estado ng government revenue ay hindi kakayanin ang parehong 100 porsiyentong umento para sa kanila.
Ngunit anumang umento sa pagkakataong ito ay dapat na tanggapin. Habang tumataas ang national revenues kasabay ng paglago ng ekonomiya, makikita ng mga miyembro ng Kongreso na kailangang suwelduhan ng gobyerno ang mga manggagawa nito – karamihan ay mga guro – nang mas maganda kaysa tinatanggap nila sa ngayon.