Bukod sa 14 years nang Kapuso ang award-winning TV personality at host na si Drew Arellano, ang isa pang hindi niya nakakalimutang ikuwento ay sa GMANetwork din niya nakilala ang wife niyang si Iya Villania. Una silang nagkasama sa youth-oriented show na Click. At kahit na lumipat sa ABS-CBN si Iya ay hindi natapos ang kanilang magandang relasyon. Ngayon ay may dalawa na silang anak – sina Primo, 3-year-old, at Leon,1.
“Bago pa man kami ikinasal ni Iya noon, gusto ko na talagang maging isang mabuting ama, kaya naman para mabigyan ko ng oras ang aking pamilya, tatlong beses lamang sa isang linggo ako nagtatrabaho dahil gusto ko silang makasama, kaysa lumabas ako na ang kasama ay mga kaibigan,” sabi ni Drew sa mediacon after niyang mag-renew ng contract sa Kapuso Network, sa harap ng mga executives sa pangunguna ni GMANetwork Chairman at CEO Atty. Felipe L. Gozon, at mga executives ng Public Affairs.
Dalawa ang ongoing shows ni Drew sa GMAPublic Affairs, ang travel show na Biyahe ni Drew na napapanood tuwing Biyernes sa GMANews TV. Kung saan-saan na nakarating ang travel show, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa na rin. Hindi raw sila nauubusan ng pupuntahan dahil dito lamang sa Pilipinas, napakaraming lugar na magaganda at pwedeng puntahan, kahit sa kalibliban ng bansa.
Ten years na ring nagho-host si Drew ng award-winning info-tainment show na AHA na layunin nila ay makapagbigay ng education at entertainment sa mga manonood.
Tinawag nila itong “happy place ng mga batang smart” kung saan maraming matutunan ang kabataan habang sila ay nag-i-enjoy. May special animation segments ito na tinawag nilang #KuwentongAHAmazing kung saan nagkukuwento ang mga piling Kapuso personalities tulad nina Jessica Soho, Bianca Umali at Ken Chan. Napapanood ito every Sunday, 8:30AM.
Awardee rin si Drew ng Anak TV Makabata at kinilala siya bilang Best Travel Show host ng iba’ibang award-giving bodies.
May iniwang salita si Drew sa mga nagsasabing madali lang gumawa ng isang travel show.
“I think anyone can produce a travel show but not everyone can have my team. Our chemistry is pretty solid that’s why we are very efficient with our work. It’s a fine group of people that you will be happy with for 14 years and will probably be happy for another 14 years.”
-Nora V. Calderon