Kasama sina Ray Parks Jr., Leo Avenido at Jerick Canada sa ASEAN Basketball Leagues (ABL) 10 Greatest Players of All-Time.

Inilahad ang listahan sa isang press launch Huwebes.

Nahirang ang tatlong Filipino cagers dahil sa kanilang “significant contributions” simula nang magbukas ang regional league Oktubre 2009.

Si Parks ang unang ABL player na nakakuha ng tatlong Local Most Valuable Player awards matapos tulungan niya ang San Miguel Alab Pilipinas na sungkitin ang championship noong 2018.Naglaro si Avenido sa limang team sa ABL, at ginawarang ng MVP award noong 2012. Kasama rin siya sa champion na San Miguel Beermen noong 2013.

ASEAN import siya ng Brunei Barracudas, Singapore Slingers, Saigon Heat at Mono Vampire.

'It was my biggest result!' Alex Eala, inalala pag-ariba mula Marso 2025!

Si Canada ay naglaro sa Indonesia Warriors na naging kampeon noong 2012. Siya rin ang 2014 Finals MVP habang nasa Hi-Tech Bangkok City.

“Parang lifetime achievement ito para sa mga Filipino players na naglaro outside of the Philippines,” sabi ni Canada, ang tanging Filipino sa All-Time list na dumalo sa presentation noong Huwebes.

Ang iba pang player sa All-Time List ay sina world imports Xavier Alexander, Chris Charles, Marcus Elliott, Steve Thomas, Thai forward Attaporn Lertmalaiporn, Singaporean guard Wong Wei Long at Indonesian playmaker Mario Wuysang.