NOONG nasa high school, bumuo si Yeng Constantino ng grupo na sumali-sali sa battle of the bands sa kanilang hometown, Rodriguez, Rizal at sa mga katabing bayan. Iyon ang kanyang struggling years at noon nahasa ang kanyang pagiging artist.

YENG

Suntok sa buwan ang audition niya sa Pinoy Dream Academy, pero pinalad siyang makapasok.

Petiks lang si Yeng noong mga unang episode, wala sa hinagap na puwede pala siyang manalo, pero sadyang nakaguhit sa palad niya ang fame.Habang tumatakbo ang programa, kusang nag-bloom ang talent niya, at biglang lumiwanag sa kanyang isip na puwede pala niyang ambisyunin ang top prize.

Bukod sa huge success sa music industry, tinutupad na rin niya ang kanyang pangarap na maging artista noong paslit pa siya. Lead actress siya sa Write About Love under TBA Studios.

‘Di ko na po kaya!’ Kuya Kim, sumaklolo sa isang netizen

Hanggang ngayon, humble at down-to-earth si Yeng, palatandaan ng tao na patuloy pang aani ng mga tagumpay. Ehemplo siya ng anak na pinalaki sa malawak na pang-unawa ng magulang at ganoon din ng “multiple intelligence” o emotional intelligence na mas pinapahalagahan ngayon ng educators. Ramdam sa mga awiting nililikha at maging sa attitude ang magandang kalooban niya.

Mas maa-appreciate ng publiko ang beauty ni Yeng as human being kung ilalahad lang namin dito ang organic na one-on-one interview ko sa kanya.Saan ka mas komportable, sa singing o sa acting?

“Iisang mundo lang l, pinangarap ko rin naman kasi noong bata pa ako sa harap ng salamin ‘tapos inuulit ko ang line sa mga teleserye na pinanood ko. So ito pong acting is really something na gusto kong gawin simula pa lang.”Alin ang nauna, uma-acting ka o kumakanta ka?

“Kumakanta! (Natawa.) Bonnie Tyler, ganyan, may hawak na suklay, umaakyat ako sa me salamin.”Di ba, librarian ang tatay ko, so alin ang mas nauna -- books, singing o acting?

“Hindi talaga ako academically magaling. Tinanong ko nga ang tatay ko, ‘Pa, ‘buti na lang... ba’t po ba sinuportahan n’yo ako sa singing? Sabi niya,

‘Wala naman akong magagawa kasi ‘di ka naman magaling sa school.’ Tawa ako nang tawa. Sabi ni Papa, ‘Eh, may future ka naman talaga sa pagkanta kaya d’yan na kita sinuportahan.”

Ikaw lang ba ang napunta sa arts?

“Ang mga kapatid ko, lahat nag-excel sa school, ako lang ang hindi nakapag-college. I’m planning to take a course sa open university. Interested po ako sa psychology, para si Ate Jodi Sta. Maria.

So, na-encourage ako, nakita ko kasi ‘yong news sa kanya na grumadweyt siya ng BS Psychology. Sabi ko, ay, puwede pa pala.”

Pagsasabay-sabayin mo ngayon ang studies, acting at singing?

“Feeling ko kaya naman. Saka wala akong planong magteleserye, kasi ‘pag serye doon talaga mauubos ang panahon mo.”

Naging paborito ng mga anak ko ang Lapit. Sila ang nag-explain sa akin na inspirational ang kanta.

“Ang inspirasyon ko do’n tatay ko. Mahilig po siya sa Aerosmith. Habang sinusulat ko ang Lapit ang pinapakinggan ng tatay ko sa bahay, Aerosmith, so sa progression ng chords ng Lapit mapapansin ang influence.”

Bukod sa Write About Love movie, kaabang-abang din ang magiging resulta ng nakatakdang collaboration ni Yeng kay Moira dela Torre.

Inamin ni Yeng na nerbiyosa siya sa pakikipag-collab sa mahuhusay na artists. Pero sa ilalabas na bagong album, katuwang niya ang dalawang members ng Pinoy rock icon na Eraserheads.Abangan natin.

-DINDO M. BALARES