Ang unang semifinals slot sa PG Flex Linoleum-Universities and Colleges Basketball League (UCBL) ang target ng defending champion Diliman College sa pagsagupa nito sa Centro Escolar University ngayon sa Olivarez College gym sa Parañaque City.

Walang talo ang Blue Dragons sa 7 games sa pagsisimula ng second-round eliminations.

Noong huling pagtatagpo nila noong Set. 26, tinalupan ng Diliman ang third-seed CEU, 90-62.

Anim lang ang player ng Scorpions noon, at nais nilang balikan ang Diliman ngayong buo na naman ang line-up nila.

Kagagaling lang ng CEU sa pagkatalo sa Lyceum of the Philippines-Batangas Pirates, 66-53.

'Keep it up!' Manny Pacquiao, proud na proud kay Alex Eala

Ang may pinakamagandang win-loss record sa dalawang grupo ang uusad sa Final Four, at ang ang top two ang mabibiyayaan ng twice-to-beat advantage.

Ka-grupo ng Diliman at CEU ang No. 5 Lyceum at No. 7 Technological Institute of the Philippines. Magka-bracket naman ang No. 2 University of Batangas, No. 4 Olivarez College, No. 6 Philippine Christian University-Dasmariñas at No. 8 National College of Business and Arts.

Isang panalo lang ang kailangan ng Blue Dragons para pumasok sa semis. Sina Robbi Darang, Johnnel Bauzon at Ismael Pacheco, na nag-double figures sa 102-77 panalo laban UB, ang mangunguna sa opensa.

-Kristel Satumbaga

Games Ngayon

(Olivarez gym,

Parañaque City)

12 noon – Diliman vs CEU

2 p.m. – LPU-B vs TIP

4 p.m. – UB vs Olivarez