PETERSBURG, Fla. (AP) — Tabla na ang Tampa Bay Rays at Houston Astros sa American League Division Series, 2-2.
Tinalo ng Rays ang Astros, 4-1, sa St. Petersburg Martes.
Isang panalo na lang sana ang kailangan ng Astros para pumasok sa AL Championship Series sa ikatlong straight na taon. Nabigyan naman ang Rays ng pag-asang makaabot sa championship series sa unang pagkakataon mula 2008.
Sumugal ang Astros na hugutin si Justin Verlander bilang starting pitcher, kahit na tatlong araw lang ang kanyang pahinga.
Ngunit tila wala sa porma si Verlander, at pinalitan siya sa fourth inning matapos siyang palusutan ng 4 runs ng Rays.
Anim na pitcher naman ang isinubo ng Tampa Bay, kasama na si Ryan Yarbrough at Cy Young Award winner Blake Snell.
Babalik sa Houston ang serye para sa deciding Game 5 sa Huwebes ng gabi. Llamado pa rin ang Astros, na siyang AL West champion at may 107 panalo ngayong season.
Hindi naman natitinag si Tampa Bay center fielder Kevin Kiermaier: “We’ve got some momentum going for us and we plan on taking it back to Houston.”
Haharapin ng mananalo ang New York Yankees sa AL Championship Series.