ANG pelikulang Nuuk nina Aga Muhlach at Alice Dixson ay mapapanood sa fifth edition ng Danish Film Festival sa Shangri-La Plaza mall sa Mandaluyong ngayong Oktubre.

Ang Nuuk ay mula sa script ni Erwin Blanco at idinirek naman ni Veronica Velasco. Ang nasabing pelikula ang unang Filipino film na kinunan sa Greenland, autonomous region within the Kingdom of Denmark.
Tungkol sa isang Filipino migrant worker ang kuwento ng Nuuk na si Elaisa Svendsen (Alice) na hirap maka-move on sa pagkamatay ng asawa.
Nanumbalik ang pagiging masigla niya nang makilala niya ang kapwa Pinoy na si Mark Alvarez played by Aga.
Tinalakay rin sa pelikula ang tungkol sa mental health issues na nararanasan ng karamihan ngayon lalo na sa showbiz dahil sa maraming bagay.
Anyway, bukod sa Nuuk ay may siyam na full-length Danish films din ang mapapanood simula kahapon, October 9 hanggang 13 at Cinema 4 ng Shangri-La Plaza mall in Mandaluyong.
Ang mga pelikula ay ang Birgitte Stærmose’s Darling (2017); Milad Alami’s The Charmer (2017); Jonas Elmer’s I Am William (2017); Niccolo Donato’s Across the Waters (2016); Bille August’s A Fortunate Man (2018); Annika Berg’s Team Hurricane (2017); Jannik Hastrup’s Circleen, Coco & the Wild Rhinoceros (2018); Carl Th. Dreyer’s Ordet (The Word, 1954); at Jasper W. Nielsen’s The Day Will Come (2016).
Going back to Nuuk ay mapapanood na ito sa regular showing sa Nobyembre 6 produced ng Viva Films.
-Reggee Bonoan