FOR Piolo Pascual, life begins at ‘40’s. Kahit nasa early ‘40’s na ang pangunahing Kapamilya actor, nakikitaan pa rin ng sigla at kakaibang energy si Piolo, kaya’t sa bago niyang fun run in partnership with SunLife, dubbed as “SunPiology Xone”, hihikayatin nitong tumakbo ang mga netizens sa gaganaping fun run on November 23,2019.

Piolo

Sa naging panayam namin kay Piolo, kailangan daw ang paghahanda sa mga tulad nitong fun run event.

“ ‘Pag marami kang ginagawang trabaho,mahirap. So what i do, three months before the race i plan a training program kasi i don’t just bike, i also run. I’m able to train for both sports. I did it for several years and i hope to make it a point to train several months to prepare for it and really spend quality time alone.” sey ni Piolo.

Bilang ambassador ng SunLife, kasama niya si Charo Santos-Concio sa advocacy to encourage more Filipinos to live healthier lives. Kung kasama rin ba si ma’m Charo sa pagtakbong magaganap?

Manager ni Hidilyn Diaz, petroleum company ‘di nagkaunawaan sa usapin ng lifetime fuel incentive?

“Hindi naman kami umabot do’n,” na hikayatin si ma’m Charo na tumakbo. “(Pero) sana... siguro naman tumatakbo rin si ma’m Charo.” nangingiting sabi ni papa P.

Kung dati’y kay John Lloyd Cruz close si ma’m Charo, ngayo’y sila na ang magkasama sa ilang projects.

Siya raw ngayon ang kinakikiligan ng Kapamilya COO, si ma’m Charo. “Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko do’n. Nakakatuwa naman,” ani Piolo sa tanong na kinikilig sa kanya ang top executive ng Kapamilya.

Paliwanag niya, “I’ve always been close to her eversince naman(and) she’s really one of the people that made it happen to me sa ABS-CBN ,one of those that believes in me, whenever i had the chance to talk to her, she always give me good advice,” paliwanag ni Piolo.

May mga napag-usapan daw sila sa isa nilang bonding sa US, noong mag-show ang ASAP sa San Jose, CA, ilang buwan na ang nakakaraan. “Sabi ko, ‘tita, the reason why i became producer because of you,at sabi ko, you inspired me.If you have tips to give,sabi ko I’ll listen.Kasi sa mga career moves ko si tita Charo talaga yung nangingialam,na nagbigay talaga ng good advice, which one i would take. Maging ang konsepto niya ibinbigay niya sa akin.” Malaki raw ang utang na loob niya kay ma’m Charo, “Big factor siya kung nasaan man ako ngayon. Sabi ko, from being an actor na-transcend mo yun naging producer ka at naging successful ka.”

In fact, may nakalinya na palang plano na Piolo-Charo film?

“Yeah, we’ve been wanting to work together. May gagawin dapat kami pero hindi nga natuloy,hindi nagkatugma sa schedules. Hopefully I’m very much open, marami na siyang concept na ibinigay sa akin pero wala pa kaming concept(together),” paliwanag niya. “She said that if there’s a concept for us together, gagawa siya sa amin.”

Hindi raw big deal kay Papa P. na iparehas siya sa older leading lady, o gagawa ng isang May-December type of film?

“You know, it really doesn’t matter,” aniya pa, kahit mas may edad si ma’m Charo at mas mataas ang posisyon, wala daw siyang pakialam.

-ADOR V. SALUTA