INAMIN ni Mikoy Morales, nang makausap namin sa set visit ng kanilang inspirational drama series na The Gift na masaya siya nang isa siya sa bumubuo ng serye na dinidirek ni LA Madridejos. First time niyang nakasama si Alden Richards, ang lead star ng serye.

Mikoy Morales TG set visit

“Sa story, barkada kami nina Alden at Mikee (Quintos) sa Divisoria,” kuwento ni Mikoy. “Close kami pero sa first scene naming magkakasama, naramdaman kong may reluctance kay Alden. First time rin naman silang nagkasama ni Mikee. Pero si Alden matagal na akong humahanga sa kanya. Nasubaybayan ko ang career niya simula pa noon ‘di pa ako artista at hangang-hanga ako sa mga achievements niya. Tama lahat ang mga papuring tinatanggap niya.”

May alam ba si Mikoy kung bakit may reluctance si Alden sa kanya?

Tsika at Intriga

Kailangan na ulit mag-artista? Kris Bernal damang-dama hirap ng pagpapagawa ng bahay

“Siguro po, iyong best friends kami ni Juancho Trivino. Alam ko pong may hindi magandang incident sa kanila noon ni Juancho. Pero alam ko nagkausap na sila noon at wala nang issue sa kanila. Kaya po sinabi ko rin iyon kay Alden. Natawa naman si Alden “wala iyon, ikaw si Mikoy.”

Nakita raw niyang hindi marunong mag-judge ng tao si Alden. Wala kay Alden na “kaibigan ka ni ganito, ni ganoon,” napaka-sincere daw nitong makipagkaibigan.

“Kaya po ngayon, ang saya lagi namin sa set, at magkakasama rin kaming tatlo sa tent, kaya talagang may bonding kami. Kasama na rito iyong madalas mag-share ng food niya si Alden, hahaha!”

Sa ngayon ay mas madalas silang magkakaeksena nina Alden at Mikee dahil sila ang hiningan ng tulong ni Alden as Sep, nang mabulag ito, na huwag siyang iiwanan, kailangan sila nito.

“Mas marami pong magagandang eksenang mapapanood sa serye namin, dahil sa kabila ng pagiging bulag ni Sep, may nakikita siyang visions, nakikita niya ang ginawa ng isang tao, ang kanyang nakaraan at ang kanyang future.”

Ang “The Gift” ay napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad, after ng Beautiful Justice.

-Nora V. Calderon