SA opening ng 11th branch ng Online Travel Express sa Robinson’s Metro East na pag-aari ni Richard Lopez Pabilona ay kinuha niya si Matt Evans bilang endorser dahil naniniwala siyang effective ang aktor sa bawa’t produktong ini-endorso nito base na rin sa track record ng aktor.

“The reason why we choose Matt as ambassador ng Online Travel Express, bukod sa guwapo siya, he has that quality for tourism that we can boost our tourism in the Philippines and tourism of other countries, as well. As we are promoting tour packages at a very affordable rates. Plus, hindi kasi mahirap kausap si Matt,” saad ni Rich (tawag kay Richard).

Ayon naman kay Matt ay sumakto dahil mahilig siyang mag-travel kung may bakanteng oras at gustung-gusto niyang puntahan bukod sa Hong Kong, Singapore, Malaysia, Bali, Bangkok, Taipei, Macau, Vietnam, Melbourne, Sydney, Dubai ay ang Japan dahil doon nakatira ang kapatid niyang babae. Kaya naman may free trip siya sa Japan courtesy of OTE.

Ayon kay Richard, bunga ng tiwala at tiyaga ang itinayo niyang travel online business na anim na taon na ang nakararaan at nagsimula lang siya sa boarding house kung saan siya nakatira gamit ang laptop hanggang sa lumaki ang negosyo.

Aniya, “This is our 11th branch, pero ‘yung pagmamay-ari ko lang is tatlo. Iyong iba ay mga franchise sa Davao, Misamis Oriental, Montalban, Quezon City, Tandang Sora, Laguna, Marikina at Pasay. Iyong sa akin is ito, iyong main office at sa Iloilo.

Tsika at Intriga

Ogie, na-miss kalidad ng mga mambabatas noong araw: 'Ngayon, parang kahit sino na lang, pwede!'

“We offer budget and affordable tour packages na legit talaga, ang pinaaalis namin is almost 500 clients every month. We are awarded internationally, isa sa award namin is from London as Philippines’ Best Online Travel Agency.

“Ang 30 to 50 percent of our income napupunta sa charity, like, OTE Charities, Tsinelas ni Rich, Pakain ni Rich, Scholars ni Rich, at Pabigas ni Rich, lahat iyan ay funded ng Online Travel Express.”

Going back to Matt ay napagkamalan siyang Arabo sa ginanap na opening ng OTE dahil balbas sarado siya.

Kuwento ng aktor ay kailangan iyon sa kanyang bagong teleseryeng kasama si Gerald Anderson na A Soldier’s Heart dahil Muslim ang karakter niya.

Balik-Kapamilya network na si Matt, “opo, pinabalik nila ako, eh. Pero nagpapasalamat ako sa GMA kasi maganda ang trato nila sa akin at maayos naman akong nagpaalam sa kanila. Nu’ng time na tinanong ako ng ABS kung anong project ko sa GMA, sabi ko, ‘wala’ kaya pinabalik nila ako.”

At dahil negosyante rin si Matt ay pinaplano rin nilang mag-asawa kung papasukin din nila ang online travel business, “puwedeng mag-franchise sa OTE.”

-REGGEE BONOAN