MASAYA si Icon singer na si Ivy Violan dahil narito siyang muli sa ating bayang Pilipinas. Tipong matagal-tagal na rin naman siyang naka-based sa US pero kapag kinakailangang umuwi siya rito ay ginagawa naman niya.

Tulad ngayong October 19, 2019 to be exact ay magkakaroon siya ng concert titled Rockin Soul @38 at tipong isasabay na rin ang launching nang kanyang bagong composition single titled Hanap Hanap arranged by Mon Faustino.
Why Rockin Soul @38?
“Kasi it’s a woman in me, Ivy Violan at 38 years …38 years anniversary ko as a solo artist, And then, yun na nga ang pinagkakaabalahan ko, ang mag-promote lalo na ng bago kong composition na ako ang sumulat titled Hanap Hanap under Viva Records.
“Siguro for good na nabalik na uli dito ang Ivy Violan kasi I also have shows for Pagcor. Alam nyo, I’d like to think na I was never away. It’s just that nag-back and forth kasi ako from USA to our country. Tulad ngayon, andito uli ako sa ating bansa.”
Saan gaganapin ang kanyang concert cum album launching this coming October 19?
“Sa Marco Polo Hotel. With live bands. And will start at 8pm tapos may ballroom dancing. Affordable naman ang tickets. Keri na yun ng mga gustong manood at siyempre ng mga friends ko at Ivy Violan fanatics.
“Of course, may mga guest din akong singers like Richard Merk na matagal ko nang nakakasama at meron din new artist singer akong inimbita. I always do that kasi pag may show ako, gusto ko meron akong bagong nakikitang singing talent na magaling. She is Mina Campos, a theater actress. Nakasama ko siya sa Lenten play namin noon titled Martir sa Golgota produced and directed by Lou Veloso.
“Dito sa upcoming show ko sa Marco Polo on October 19, I promise ibang Ivy Violan na ang mapapanood niyo. Iba na. It’s different Ivy. It’s something na I am launching a new song that I never thought that I could write songs. This is very new, yung Hanap Hanap. Yung first song na ginawa ko ay yung Yakapin Mo Ako na released din ng Viva Records noon.” Ang mahabang info sa amin nitong si Ivy.
And take note, nagkaroon din siya ng titulong Voice Of Asia Festival Queen. Nu’ng September 29, ay ginawaran naman siya ng Sinag Lahi USA Awardee at ngayong darating na November 25 ay isa siya sa tatanggap ng Gawad Amerika Awardee in Los Angeles, California.
Well, congratulations Ivy Violan and for your 38 years in the music industry and still counting
-MERCY LEJARDE