Sisimulan ng University of Santo Tomas at Adamson University ang championship series ng Premier Volleyball League Collegiate Conference ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.
Best-of-three ang series.
Pumasok ang Tigresses at Falcons sa finals matapos manaig sa kanilang semifinals games noong Linggo.
Naungusan ng UST ang Ateneo sa isang cardiac game, 20-25, 25-20, 25-16, 19-25, 16-14, at nilusutan ng Adamson ang College of St. Benilde 25-18, 14-25, 25-17, 25-15.
Hangad ng UST na umangat mula sa fourth place finish nito noong isang taon ngayong nasa line-up na nito ang magkapatid na Eya and EJ Laure.
Inaasahan ding tutulong sa scoring sina Imee Hernandez and Janna Torres.
Humataw ng 32 points ang Laure sisters laban sa Lady Eagles, at pumuntos naman ng 32 points each sina Hernandez at Torres.
Si Ma. Agatha Mangulabnan ang magseset ng plays.
Aasa ang Adamson kina Trisha Genesis at Lucille Almonte na nagbigay ng 35 points laban sa St. Benilde.
Paglalabanan ng Ateneo at St. Benilde ang third place sa sarili nilang best-of-three series.
-Kristel Satumbaga
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
9 a.m. – Ateneo vs St. Benilde
11 a.m. – UST vs Adamson