PETERSBURG, Fla. (AP) — Sinakyan ng Tampa Bay ang clutch playoff performance ng pitcher na si Charlie Morton para kuyugin ang Houston Astros, 10-3, noong Lunes.

Charlie Morton: Sumirit para sa Tampa Bay

Charlie Morton: Sumirit para sa Tampa Bay

Dahil sa panalo, isa na lang ang lamang ng Astros sa Rays sa AL Division Series.

Nilimitahan ni Morton ang Astros, ang team na tinulungan niyang mapanalunan ang World Series dalawang taon na ang nakalilipas, sa isang run and tatlong hits habang naka siyam na strike out siya sa five innings.

Ang 35-year-old na right-hander ay 4-0 with a 0.95 ERA sa apat na career elimination starts, kasama na ang wild-card win sa Oakland noong nakaraang linggo.

'It was my biggest result!' Alex Eala, inalala pag-ariba mula Marso 2025!

“It’s just what Charlie’s done all year,” saad ni manager Kevin Cash. “He’s got that knack for doing some special things for us, and he did it again.”

Sinabi ni Astros manager AJ Hinch na si Justin Verlander ang magiging starting pitcher sa Martes (Miyerkules sa Manila). Si Diego Castillo naman ang magsisimula para sa Tampa Bay.

Para kay Hinch si Verlander ay “one of the best pitchers in the world. No more complicated than that. He’s ready, and it’s his game.”

Ang mananalo sa serye ay papasok sa AL Championship Series laban sa New York Yankees, na winalis ang Minnesota sa three games noong Lunes.