Para sa pole vaulter na si EJ Obiena, ang unang Filipino athlete na nag-qualify para sa 2020 Tokyo Olympics, “more of a dream coming true” ang pumasok sa Olimpiyada.
Pero sa ngayon, ang focus ng 23-year-old na Obiena ay ang 30th SEA Games na gaganapin sa Pilipinas sa Disyembre.
Ito ang kanyang sinabi sa PSA Forum kahapon sa Amelie Hotel Manila.
Ang current best ni Obiena ay 5.81 meters, na 10th best sa mundo.
Dahil dito, ang 6-foot-2 pole vaulter ang llamado para manalo ng gold sa SEA Games, kung saan si Porranot Purahon ng Thailand ang kasalukuyang champion.
Nagtalo si Purahon ng 5.35 meters noong 2017 sa Kuala Lumpur Games.
“I may have the slight edge but it’s a competition. Anything can happen. Hopefully I can be the one standing on top of the podium holding the Philippine flag,” tantya ni Obiena.
Alam niya na pahirap nang pahirap ang competition, ngunit kampante siya na maganda ang ipapakita niya sa SEA Games.
Ang pole vault competition ay gaganapin Dis. 7 sa New Clark City sa Capas, Tarlac,.
“What I can do is do what I can,” sabi ni Obiena.
Kasama niya sa forum ang kanyang ama na si Emerson, isang silver at bronze medalist sa SEA Games, and inang si Jeanette.
“I will do my best to win the SEA Games gold. It’s our home country. It’s going to be a shame if I lose and I know that,” pangako ni Obiena, na nagtamo ng ACL injury ilang araw bago ang 2017 SEA Games.
“The Thais are really good, the Malaysian and the young Indonesian. You’ll never know,” sabi niya.