KINOPO ng bagong badminton sensation Solomon 'Monchie' Padiz,Jr. ng National University ang kanyang buwenamanong collegiate award na  Rookie of the Year sa nagtapos kamakailang UAAP  Season 82 Badminton Championship  na humataw sa PNP Sports Center ng Camp Crane sa Quezon City.

Ang 18-anyos  Sports Education freshman student na si  Padiz ay hinataw ang kanyang prestihiyosong gawad mula sa pagtala ng 13-sunod na Impresibong panalo sa  Team Tie preliminary round,7 sa men's singles at 6 sa men's doubles categories.

Tinampukan ng 2018 Philippine National Games Open gold medalist na si Padiz ang pagdurog nito sa beteranong karibal na so Keon Asuncion ng Ateneo de ManilaUniversity(2-0) via straight sets 21-9,21-14 sa game 2 finals na naging instrumental sa 6-peat tagumpay ng kanyang koponang NU Bulldogs sa Universities Athletic Association of the Philippines badminton event.

" Thanks God for everything,for giving me this new breakthrough in my badminton career," wika  ng bagitong kampeon na mistulang nagpasiklab ng  estilong - MVP sa serge.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

"This RoY award inspires me more in my quest for glory in the coming SEAGames where I will represent our country in badminton event", saad pa ng batang Padiz na nagpasalamat at handog ang  tagumpay sa kanyang teammates,mentors,Kay NU Bulldogs top brass Hans Sy Sta Rosa City Mayor Arlene Arcillas at ever supportive na amang di  Solomon Padiz,Sr.-dating national athlete ng larong sepak takraw.

Matapos ang mabungang ksmpanya ni Padiz sa UAAP 82 ay kasalukuyang NASA  marubdob ns close door training siya sa Indonesia bilang preparasyon sa kanyang 'mission possible sa SEAGames na papalo sa bansa sa Nobyembre-Disyembre ng taon.