Ano ang unang inatupag ni Filipino world title challenger Edward Heno nang dumating siya sa US noon Linggo?

Pumunta sa isang orthodontist.

At hindi lang kung sinu-sinong orthodontist. May appointment si Heno kay Ed Dela Vega, na siyang gumagawa ng mouthguard para kay Manny Pacquiao.

Haharapin ni Heno ang Mexican na si Elwin Soto, ang kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) light-flyweight champion, sa Okt. 24 sa Fantasy Springs Casino sa Indio, California.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bilang paghahanda sa kanyang pinakamahalagang laban, gusto ni Heno na si Dela Vega ang gumawa ng kanyang mouthguard.

Maliban kay Pacquiao, ilan pang sikat na Pinoy boxers ang kliyente ni Dela Vega.

“I do them myself in house I have a small lab but it’s equipped with most of what i need kaya mabilis ang service. Besides Sunday so no patients to be worried about Full focus sa kanya so tapos agad,” ani Dela Vega, na nagsimulang gumawa ng mouthguard para kay Pacquiao noong 2005.

Si Marty Elorde, ang manager ni Heno, ay susunod sa US isang linggo bago ang laban.

Ang trainer ni Heno ay si Ruel Durano, na sasamahan ni Erbing Penalosa sa isang linggo.

Nabigyan si Heno ng chance na harapin si Soto nang depensahan niya ang kanyang Orient-Pacific title ng tatlong beses.

Si Sean Gibbons, ang adviser ni Pacquiao, ang lumakad para makaharap ni Henosi Soto.

-Nick Giongco