Pinapaliwanag ni TNT KaTropa Roger Pogoy ang hot shooting start sa PBA Governors’ Cup nang biglang niyang kinambyo ang usapan.

“Sana nung World Cup ganun no?” sabi ni Pogoy. Biglang niyang naalala ang nakalulunos na torneo ng Gilas Pilipinas sa FIBA World sa China.

Ang pakikipagbanggaan sa matataas at mas malalakas na kalaban ay lessons learned, sabi nga, para kay Pogoy at ilan sa mga kasamahan niya sa Gilas.

Isa si Pogoy sa limang three-point shooters matapos ang dalawang linggo ng season-ending conference. Pasok ang 61 percent ng kanyang attempts and meron din siyang 20.8 points per game na nakatulong sa TNT makamit ang 4-0 record.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Sa FIBA World 3-of-12 mula sa rainbow country si Pogoy.

Ang Gilas teammate niyang si Troy Rosario ay 1-of-10m, pero sa Governors’ Cup siya ay nag-aaverage ng 18.3 points, at 63 percent mula three-point area.

Ang Meralco ay kasalukuyang 3-1 sa Governors’ Cup at si Raymond Almazan ang dahilan.

Matapos ang 0.6 points at 0.6 rebounds FIBA World, pumoste si Almazan ng 16.3 points, 12.8 rebounds at 1.8 blocks para kay coach Norman Black.

“He really could not get his bearings in the last conference, but I wasn’t really concerned about that because I knew he was new to the team and he really didn’t know the system that well,” sabi ni Black.

“But we’ve had a chance now to get him comfortable with the team,” dagdag niya.

Si Kiefer Ravena, na inulan ng batikos dahil sa sablay niyang performance sa FIBA World, ay rumeresbak din.

Isa siya sa top players ng conference, na nagbigay sa NLEX ng 4-1 slate.

Si Ravena ay nag-aaverage ng 18.6 points per game at 45-percent mula sa three-point area. Di lang yan: may 7.2 rebounds at 9.4 assists din siya.

Ang mga Gilas rookie na sina CJ Perez and Robert Bolick ay umaawra rin. Ang statline ni Perez: 24.8 points per game, 10.3 rebounds, 3.5 assists at 2.3 steals para sa Columbian Dyip.

Ang kay Bolick: 16.0 points, 5.8 rebounds at 6.8 assists para sa NorthPort Batang Pier.

-JONAS TERRADO