Ang gymnast na si Caloy Yulo ang pangalawang Filipino na nag-qualify para sa 2020 Tokyo Olympics.
Pumasok ang 19-year-old na Yulo sa men’s floor exercise at all-around final sa 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships noong Lunes sa Stuttgart, Germany.
Ikapito siya sa floor exercise sa score na 14.633. Ang top qualifier ay si Artem Dolgopyat ng Israel sa score na 15.033.
Nakuha ni Yulo ang Olympic allocation dahil sa kanyang all-around performance.
Ang iba pang qualifiers ay sina Manrique Larduet ng Cuba’s, Ludovico Edalli ng Italy, Milad Karimi ng Kazakhstan, Loris Frasca ng France, Robert Tvorogal ni Lithuania, Alexander Shatilovng Israel, Ferhat Arican ng Turkey, Artur Davtyan ng Armenia, David Huddleston ng Bulgaria, Bart Deurloo ng Netherlands at Daniel Corral ng Mexico.
“I appreciate Caloy as my gymnast. Our many times spent in training paid off. We still have the finals. We will focus on these two opportunities,” sabi ni ng Japanese coach ni Yulo na si Munehiro Kugimiya sa kanyang Facebook account.
Dahil sa performance ni Yulo sa floor exercise, nagtapos siya na 18th sa all around sa score na 82.164.
Siya ay 92nd sa pommel horse, 72nd sa rings, 32nd sa vault, 22nd sa parallel bars at 82nd sa horizontal bar.
Ang mga leader sa all-around qualifier ay sina Nagornny (87.333), reigning world champion Artur Dalaloyan ng Russia (86.531) at multiple world champion Xiao Ruoteng ng China (85.531).
Ang Top 8 athletes sa bawat apparatus at Top 24 sa all-around ang umusad final roundna gaganapin ngayong Biyernes. Ang floor exercise final ay sa Sabado.
Ang unang Filipino na lalahok sa Tokyo Olympics ay ang pole vaulter na si EJ Obiena.
Noong 2018, Si Yulo ang unang Filipino at lalaking Southeast Asian na nagwagi ng bronze sa floor exercise sa world championships.
Noong Pebrero, nag-gold siya sa floor exercise sa first leg ng FIG Apparatus World Cup sa Melbourne, Australia, at nag-bronze sa second leg ng event sa Doha, Qatar.
-Kristel Satumbaga