ANO nga ba ang sikreto at nasa likod ng tinatamasang tagumpay ni Rio Olympian Hidilyn Diaz,  boxing champion Jerwin Ancajas at PBA team Talk N Text?

ball-basketball-basketball-court-1752757 bball

Ito ang mainit na tutugunan ni Well-known nutrionist/dietitian Jeaneth Aro sa kanyang espesyal na presensiya sa 43rd "Usapang Sports" ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS)  bukas (Oct. 10) sa National Press Club.

Tatalakayin ni ang importansiya ng tamang nutrisyon at Aro diet para sa Filpino athletes na nakatakdang sumabak sa 30th Southeast Asian Games sa Manila sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Isang BS Nutrition graduate sa University of the Philippines-Dliiman, si Aro ang siya ring nutrition coach ni Meggie Ochoa, ang Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP), La Salle Greenhills swimming team,  UST taekwondo team, at Nutrifit Philippines.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng mga opisyal at members,  kasama na ang kaibigan sa sports community na dumalo sa sesyon na ipinapalabas ng live sa Facebook via Glitter Livestream.

Ang TOPS ay kinabibilangan ng editors, reporters, columnists at photographers ng mga pangunahing national tabloids sa bansa.

Dadalo din sa weekly session na inisponsoran ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabno Tea Leaf Drinks ay si Pepe Munoz, secretary-general ng  Philippine Amateur Baseball Association (PABA), na magsasalaysay naman sa magiging tsansa ng bansa sa Asian Baseball Championship sa Oktubre 14 sa Taiwan.