ILANG taon na ang nakaraan ay naka-welding pa rin sa utak ni yours truly nu’ng isinama ako ni Amalia Fuentes sa family bonding nila sa kanyang Tali Beach Resort Nasugbu, Batangas. Tipong flashback throwback ang kuwentong ito.

Amalia fuentes

Buhay pa noon si Liezl at kasama niya ang husband niyang si Albert Martinez with their three kids. Nakunan ko pa nga na sweet-sweetan na nakasakay sa isang balsa ang mag-asawang Albert at Liezl at that time.

Kinagabihan, habang nagkukuwentuhan kami sa may salas nina Amalia, may isang pigurin na naka-display sa salas na pumukaw ng attention ng bagets pa noon na si Alfonso, da only grandson of Amalia.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“This is nice!” tuwang-tuwang palatak na sey ni Alfonso.

Biglang nagsalita si Liezl (SLN) agad at nagsabi kay Alfonso nang… “Don’t touch that! Sa grandma mo yan.”

Sabad naman agad ni Amalia… “No, Alfonso…this is all yours!” at masayang tinitigan ni Amalia ang cute na cute na si Alfonso na sabi nga ay ang pinaka-favorite grandson nang yumaong famous aktres ng bansang ‘Pinas.

Kaya nu’ng first public viewing ng wake ni Amalia sa Mt. Carmel Church ay masayang lumapit si Alfonso kay yours truly sabay sabing… “Tita” at mahigpit kaming nagyakap kasi siguro natatandaan pa niya ang fezlak ni yours truly noon at magpa-hanggang ngayon. Because of my shades siguro even at night. Boom, yun na!

That night of the wake ay nagpaunlak siya ng interview sa amin ni katotong Jerry Olea at natanong ko ang Alfonso kung ano ang masasabi niya na siya ang pinaka-favorite apo ng Lola Amalia niya?

“Siyempre po nag-iisa lang akong lalake..sina Ate Alyanna at Ate Allyssa paborito rin naman niya. I am the youngest kasi.” Nangingiti niyang sagot.

“I heard Alfonso na you’re the one who took care of your Lola Amalia while she is bedridden. Thank you for taking care of her. Kumusta ang last few days niya?” tanong ni Yours truly rito.

“It’s difficult but it’s life.” Saad niya.

Sino-sino ang nasa tabi niya nang malagutan siya ng hininga sa kanyang kama?” asked ni yours truly.

“Me, sina Tito Alex [Muhlach], my sister, my relatives... she was medyo... when her health was, I don’t want to say it, medyo alanganin na... of course, I called them,

“She had her final... I don’t know how you call it, is it final absolution? So, I called Fr. Arman.

“So, yeah, at least her family was there. We’re all together.”

Okay na ba sila ng Daddy mo (Albert Martinez) bago pumanaw ang Lola mo kasi ang alam ko tipong hindi sila in good terms lalo na nang mamatay ang Mommy mo na si Liezel?

“Of course. Of course. We’re all OK na.

“It’s just the heat of... alam mo naman si Lola, medyo passionate. Passionate. Passionate talaga!

“When Mama [Liezl] passed, she’s her only daughter, we all understood naman why...

I never took it against her. Hello, she’s her only daughter.”

“I know she’s my mom, but she’s her only daughter. I’ve always understood naman.

“We would never leave lola.” Ang mahabang sey pa ni Alfonso.

True enough, andun silang lahat (except ang panganay na apo ng namayapang aktres na si Allyanna na based na sa USA at ‘di makakauwi kasi may inaalagaan pa itong batang anak) na kadugo ni Amalia sa first, second and last wake nang nag-iisang Amalia Fuentes ng Philippine Cinema including Amalia’s friends in and outside showbiz.

-MERCY LEJARDE