NEW YORK (AFP) – Pumayag si five-time NBA All-Star guard Kyle Lowry sa $31 million one-year contract extension sa kasalukuyang champion Toronto Raptors, nireport ng ESPN.

Dahil dito, hindi na free agent si Lowry. Kikita ng $33.4 million ang 33-year-old na Lowry ngayong taon, ayon sa agent na si Mark Bartelstein, report ng ESPN.

Ang deal ang magiging pinakamalaking salary cap hit para sa isang NBA player na 34 anyos or mas matanda.

Mas solid ang core roster ng Raptors dahil kay Lowry. Malaking kawalan sa kanila si NBA Finals Most Valuable Player Kawhi Leonard na lumipat sa Los Angeles Clippers.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Inaasahang sasandal ang Raptors kay Pascal Siakam, ang NBA Most Improved Player noong nakaaraang season. Andyan pa rin ang Spanish stars Marc Gasol and Serge Ibaka, na mage-expire ang kontrata pagkatapos ng 2019-2020 season.

Si Lowry, na kasama sa US gold medal team sa 2016 Rio Olympics, ay nag-average ng 14.2 points, 4.8 rebounds, at career-high na 8.7 assist at 1.4 steals a game noong nakaraang season.

Samantala, biglang kinansela ng NBA at Brooklyn Nets ang isang media event sa Shanghai noong Martes bunga ng public relations crisis dahil sa tweet ng isang Houston Rockets executive na sumusuporta sa Hong Kong democracy protesters.

Ang Nets players, ang team owner na Taiwanese-Canadian Joseph Tsai, at NBA China officials ay naka-schedule para sa publicity event, na nauna sa dalawang exhibition games ng Nets sa China laban sa Los Angeles Lakers ngayong linggo.

Ngunit naglabas ang NBA China ng notice sa media dalawang oras bago ang publicity event, na nagsasabing hindi na ito matutuloy.

Walang nakasaad na dahilan sa announcement.

Sumabog ang NBA China crisis noong Biyernes nang mag-tweet si Rockets General Manager Daryl Morey na kumakampi sa Hong Kong protesters.

Agad nag-issue ng statement ang NBA na ang tweet ni Morey ay ‘’regrettable’’.